usapang PerPect --- pero nagkakamali rin
I had a chance to catch henry online last night…
I just want to share this kulit conversation we had
(background: we were talking about first impressions – this is just the mid part of the chat)
Me: mahirap ba talaga ako abutin?
Hen: ha..mahirap ka na abutin? tumangkad ka na? ang bilis namn..ano tinake mo? ano ginawa mo in that little span of time?
Me: ay sus!!! nakakainis ito...
Hen: iyon kasi ang ipinapakita mo sa kanila,...kaya ganun ang tingin nila sa iyo
Me: eh ikaw?
Me: ano tingin mo
Me: hwag mo ipasa sa iba
Hen: di namn...nagkataon lang na me mga kagaya namin tao na strike anywhere kaya nakapagopen up kayo sa amin...i mean pag ibang tao ganun talaga ang tingin nila...tignan mo nalang si _____..ang tagal na niya na magkakilala kayo eh bakit hindi kayo masyado naging close? i mean me boundaries...
Hen: na para ngang ang hirap ninyong abutin
Me: eh ikaw nahirapan ka ba?
Hen: ano ka ba..sinagot ko na ang tanong mo
Me: oo or hindi
Hen: nasagot na po
Hen: hahaha
Me: so oo?
Me: so hindi?
Hen: kagaya niyan...
Hen: simpleng bagay eh kelangan mo pa siya i-iterate..
Me: eh kasi ndi klaro
Me: so nahirapan k nga?
Hen: nakikita kasi ng iba na sobra talino mo...
Me: un pinaka first impression mo s aakin?
Hen: first impression? mahirap abutin…nagkataon lang na nakalusot kami ni jess.. kaya naging magkakaibigan tayo… pero pag iyong level ng iba? nakuuu.. ayw talga nila
Hen: magpaka jologs ka namn kahit minsan lang
Hen: dont be too much perpect
Me: jologs naman ako ha...tignan mo un choice of songs ko
Hen: di iyon jologs
Me: uy PERFECT ako...pero nagkakamali rin minsan
Me: anodaw?
Me: ano ka ba...ang dami ko ngang bloopers eh...basahin mo mga blogs ni gina...puro kapalpakan ko...
Hen: kaso...pag alam mo na mali ang isang tao..i mean sa simpleng bagay lang..wag mo kaagad icorrect
(blah..blah…blah…I was explaining something about ways of correcting, then…)
Me: bakit ba ako nagexplain...sabihin mo perfect n naman ako
Hen: uu alam ko..kaso ano ang mapapala mo sa pagcorrect mo ng ________? di ba pareho lang namn sila..ang pagkocorect ay iyong talagang may papuntahan na
Hen: bahala ka.. mawawala na mga kakilala mo sa singles at nasa singles ka parin pag ganyan
Me: bawiin mo yan!
Hen: ayoko
Hen: kaya po wag masyado maging perfect
Me: ndi nga ako perfect...ano ba!!!???
Me: mean girl nga ako diba... i am mean!!!!
Hen: hahaha
Hen: bahala ka kung ano sa tingin mo
Hen: may mga bagay na di na kailangan pa i-argue
Me: bakit nakikipag-argue ba ako sayo?
Me: ndi naman ah
Hen: hahaha
Hen: eh ano sa tingin mo ang ginagawa mo na?
Waaaaa! Ang kulit mo talaga…
Salamat sa paliwanag...
Balik k n… =)
(some lines and names were deleted to protect their future…hehehe!)
Comments
Post a Comment