G's first FEW bloopers in 2009
tandaan, second day of year 2009 pa lang ito nangyari...bingo na ako!
thanks Gina for blogging this:
At siyempre, pagkatapos ng isang sobrang emote na post, heto naman para mangiti naman ang lahat... (actually, hindi lang ngiti ang maari niyong gawin, pede din humalakhak, iwasan nga lang kung mag-isa kayo, hehehe).
Isang gabi (or rather kagabi, kaya lang baka makilala niyo agad, basta ), habang nakikinig ako ng talk ni sister, natawa akong biglang sa kanyang sinabi... heto kase:
speaker: (nasa kalagitnaan ng kanyang talk)... blah blah blah... blah blah blah... so, alam niyo ba yung kantang 'WALANG SINUMAN?' (at walang pagkakataong sumagot ang mga nakikinig, kumanta bigla si speaker), "walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. walang sinuman ang namamatay, para sa sarili lamang"... *
sumunod:
speaker: may ipaparinig akong kanta sa inyo... blah blah blah... blah blah blah... isa ito sa mga favorite song ko... ang title niya is: "Move".... "Move me".... "Move me again"....
bro: huh! bakit putul-putol??? favorite song niya yun di ba?
kame: (as in kame), hahahahahahahhahahaha.....
pambihira... ok na e, conclusion na... humabol pa... ang kulit di ba...
pero...hindi talaga matatawaran ang galing nitong speaker na ito.. promise... wag lang talaga sa kantahan... gusto ko man siyang ipakilala, nangako kase ako ng anonymity, bwehhehe... pero pede niyo din hulaan...
btw, may pahabol pa siya.. pero buti naman at hindi na siya speaker nung mga oras na yun...
eksena sa kotse... bigyan natin ng mga pangalan okie, para hindi nakakalito:
sis1: siya yung perfect pero nagkakamali din.
sis2: perfect din siya, pero 'madalas' nagkakamali din (heheheh.. para ma-differentiate).
sis3: siya yung tone deaf. ang kaya niya lang kantahin nang nasa tono ay "skyline pigeon" ni elton john.
sis4: hhhmmmnnn.. paano ko nga ba siya i-de-describe ng gabing iyon... mejo, wala siya sa sarili niya ng mga oras na yun e, hehehehe... sige, siya na lang muna yung weird (peace tayo, heheheh... at least wala ka masyadong 'moment' ng mga oras na ito, hahahahah)...
so heto na nga... dahil lowbat ang ipod, wala kameng tugtog sa loob ng sasakyan at amin lang binabalik-balikan ang pangyayari nung katatapos lang na talk... kumanta si sis3... walang sinuman ang nabubuhay, blah blah blah...
e di, natawa sina sis1, 2, and 4... ang ginawa ni sis 3... kinanta ang kanyang piece... "... skyline pigeon, dreaming of the open..."
sis1: o di ba, nasa tono siya... sa palagay ko sis3, pede mo rin kantahin yung ano nga yung kanta din niya na para kay princess diana? ano nga un?
sis3: (with matching tono), "candle in the wind" blah blah blah...
sis1, 2, & 4: hahahha...
sis2: ano nga yun.. teka lang.. nagmamaneho ako.. hindi ko na-gets.. ano nga yung title nung kanta na yun... will of the wind??? yung para kay queen elizabeth???
sis1, 3, & 4: hahhahahahaha... ano daw....
sis2: nag-da-drive kase ako... ano ba... (depensa niya, hehehehe)
heto na... sa isang sentence.. hindi ko kinaya di ba.... kanta ba ni elton john yung will of the wind para kay queen elizabeth??? hahhahaha...
o siya, yun lang muna... sa susunod ang ibang kuwento...
p.s. hayan mga sises.... hindi ako nagbigay ng mga names ha.... hindi naman halata di ba???
*sa mga hindi naka-gets kung bakit ako natawa, hhhhmmmmnnnn... un lang, hehehehe...
Comments
Post a Comment