Hay parking!

Bilang isang driver, isa sa pinakamasakit sa ulo ay ang parking (bukod sa Maktoum Road traffic – hectic!). Sa apat na taon kong pagmamaneho, hindi ko pa rin ma-master ang parallel parking. I have noticed how much of a pain it is to get into a small straight space, pero akala ko labanan ng ispasyo lang ito – mali pala ako. Dahil kahit malaki ang space, pawisan pa rin ako.


Aside from the fact that parking space (everywhere in Dubai!) is always a problem, I am also unable to park straight. When I enrolled for driving school may parallel parking test…and luckily – I passed the first test. I drew parallel to the car in front of the parking space (in real driving life, you have to put your flashers on while doing this!). Anxiously and guardedly, I started backing up and cutting into the space. With a little to and fro-ing, the car was in and voila – tapos ang parallel parking.
Pero un ay sa sitwasyon na walang sasakyan na naghihitay sa iyo. Minsan pa ikaw ang magiging cause ng trapik sa kahabaan ng road na iyun… nakaka-tense makita ang mahabang pila ng trapik at marinig ang mga busina ng mga maiinit na ulong driver.

Gusto kong sumigawa! Teka lang…shouhaaaaada!!!

Ngunit may mga pagkakataon na halos malunod ka naman sa pagpili ng ispasyo. Sa dami ng pagpipilian, hindi ko malaman kung saan ako magpapark – lahat maluwag. Pero syempre, kailangan mong pumili. Sa pagpili, maraming qualifications: pinakamalapit sa iyong destinasyon, pinakamalapit sa parking machine, walang katabing 4x4 para hindi magasgasan ng mga driver na walang ingat kung magbukas ng kanilang pintuan, lugar na hindi nakaharap sa sikat ng araw, atbp… minsan mahirap pa rin pumili.


Alin ba ang mas gugustuhin ko?

Ang mahirapang makakita ng ispasyo pero pag nakita ko naman sigurado nang sa akin ito O ang maraming pagpipilian pero hindi ko alam kung tama ang pipiliin ko?

Comments

Popular Posts