kulitan at tulaan sa email

Ivy wrote:

sis gracie, kamusta ka naman?
ang puso mo ba'y meron nang laman?
si bro ba'y iyo nang pagbibigyan?
o tuluyan nang kakalimutan?

sabado nga'y amin nang inaabangan
upang kasaguta'y amin nang malaman
ang tunay na laman ng iyong kalooban
para sa brother na di pa din napapangalanan!!!


bow.



Fe wrote:

Mukhang ito ay magiging mahabang balitaktakan
Ang simpleng kapehan wala ng uwian
Sis Gracee kung inyong pahihintulutan
Ang web team meeting mauuwi sa tanungan

Si Ivy di na yata mapagkatulog
Ito ang nasa isip kahit di pa nagmumumog
Iniisip ang kanta sa kasal nyo’y itutugtog
Kung ang puso mo ba ay meron na ring kabog (yiheee!)

Ngayong gabi ng inyong pagpupulong
Ipagdadasal naming kayo ni Brother Jon
Wag nyong hayaang magulo ang inyong misyon
Sa Sabado na natin ituloy ang diskusyon.


Henry wrote:

Wala akong masabi sa mga banat nina ivy at fe
Dapat sa iyo elder gracie ay magpakape
Nang mapagusapan ang kinabagsakan ng kahong inialay
Ng isang taong sa iyong sagot ay nagaantay

Kami’y lahat ay biglang napahiyaw
Sa blog mo sa multiply kami’y napawow
Isang dalangin iyong inaasam asam
Ay andiyan na at nabigyan ng kasagutan..

Ngunit bakit hanggang ngayong ang estranghero’y di pa napangalanan..
Sa iyo ba’y dina binalingan?
Kung ano ang kanyang tunay na katauhan
Malamang sa iyo manggagaling ang tiyak na kasagutan

Kapatid na gracie, ihanda na ang sarili
Dahil tiyak ikaw ang mapipili
Sa walang katapusang kutyaan
At ang bagsak ay isang sabadong kulitan

Bakit kasi kelangan pa ilabas ang inihandog na kahon
Na dapat sana’y iyo ng itinago sa balon
Malamang dahil sa iyong sobrang kagalakan
Hayan tuloy ikaw ang napapagdiskitahan

Sa banding huli dapat ikaw ay magpasalamat
Dahil sa sabado ikaw ay magiging alamat
Pero sana’y wag magkaroon ng lamat
Ang sabadong matindi pa sa kidlat


Ivy wrote:

hahaha, hahaha
ako nga ay tawang tawa
baka ako'y mapagkamalang sira
dahil nga tumatawang mag-isa

sis gracie, ikaw na rin ay makitula
sa mga taong sa opisina'y walang magawa
mga tanong nami'y iyong sagutin na
nang kami'y iyo ding mapatawa bow.


Gracie wrote:


Mga kaibigan, ako ay inyong pinapatawa
Sa walang katapusang pangungutya.
Sa mga bulaklak at kahon
At sa lalaking gusto kong nang ibaon!

Ito ay isang tulang hindi ko maisulat,
ang mga salitang hindi ko mahanap
Ngunit wala akong maisulat
O marahil, ayokong isulat.

Dahil ang pagsulat ay pag-amin,
pagkumpisal ng tagong damdamin,
pero ako ay naaliw,
sa pagkakaibigang nabuo natin.


Henry wrote:


Ilang araw na ang lumipas
Mula nung ang isyu ng kahon ay umalpas
Miyerkules ng unang naging sentro ng usap usapan
Ang misteryosong taong naghandog ng bulaklak sa kahon

Kapatid na gracie
Ikaw ba ay nagisisi
Dahilan sa pagpopost sa multiply
At ikaw ngayon ay di nilulumbay

Di ka naman namin kinukutya
Bagkos ay kami’y natutuwa
Sa biyaya ng langit
Sa iyo’y di ipinagkait

Saan mo na inilagay
Ang bulaklak na inalay
Sa inyo bang altar inilagak
O sa tabi tabi lang ibinagsak

Wag kang pong magalala
At aking pong ipapaalala
Kami ng web team ay magaabala
Sa paghagilap ng lalaking nagpadala

Sa iyo’y aming ihaharap
Ng sa gayo’y ang isyung ito’y ating ng maisara
Para sa susunod na kabanata
Ay ang pagalaga sa puso ng binata
Ang iyo ng bibigyan ng pansin

Comments

Popular Posts