di pa tapos

Anim na taon na ang lumipas,

Nang pikit mata kong nilisan ang bayang kinagisnan

Marami rin namang pagbabago sa pananatili ko dito sa Dubai

Mga prinsipyo at pananaw ko tungkol sa buhay.

May mga pangarap na natupad at pilit pang kinakamit,

Pero may mga pangarap din na pinilit kong iwinaglit.

Nandito ako sa bansang nagbigay ng layaw at ginhawa,

Kasabay ng lungkot at di mabilang na patak ng luha.

Marami pa ring katanungan…

Patuloy na naghahanap ng bakas ng patutunguhan…

Unfinished business…

Hindi ko alam kung paano tapusin ang tulang ito…

At ayoko rin piliting tapusin…

Dahil darating din ang tamang panahon.

May tamang letra at salita na bubuo sa tulang ito.

Kaya humingi ako ng tulong sa mahal kong Dio…

Sa paglipas ng panahon, sa pagkupas ng maong,

Muling lumisan, isang taon

Pitong taon, na ako ngayon

Dubai ng buhay ko, pinagpatong-patong.

BOW.

may 2, 2002 and counting

=)

Comments

Popular Posts