I Love You ‘TAY!

I Love You ‘TAY!
by Diodio

Galing kaming simbahan
Pauwi na sa tinitirhan
Dyan sa bandang Satwa
Ang ilan, doon sa Jumeirah.

E ano pa nga ba
Barkadahang nagsama-sama
Ginabi sa simbahan
Nagbawas lang ng kalungkutan.

Kumanta, at kumanta…
Konting praktis, kailangan pa
Pagnanais na magpuri
Ang nagtulak na sumama.

Habang nasa sasakyan
Isang tawag ang napakinggan
Si Medel na kasama ko
May tawag na esklusibo.

Pabulong doon sa likod
Sa harap ay nanggugulo
Nag-uusap ang mag-ama
Isang Dubai…isang Amerika.

Nangingiti ang anak
Ang saya ay nasa mata
Ramdam mo ang pagmamahal
Malayo man ang distansya.

Kapagdaka’y narinig ko
Nagpaalam sa isa’t-isa
Salitang namutawi… I Love You ‘TAY!
Mag-iingat ka.


Dirgo2209

Comments

Popular Posts