wala akong sakit - ay sana meron na lang!

Usapan ng dalawang magkaibigan:

G: magpa-check up ka na kasi… blah blah!
J: ayoko, wala naman akong sakit at ayokong uminom ng gamot
G: eh di wag kang bumili ng gamot, mag pacheck up lang para malaman natin kung ano ang sakit mo.
J: Ayoko. Ok lang ako. Itutulog ko na lang ito…
G: blah! Blah! Blah!

Ending, nanalo si G.

Matapos ang 3 oras na paghihintay sa doctor at resulta ng 2 lab test.
J: Magkano kaya babayaran natin?
G: ewan ko lang, kasi un akin dati 60dhs lang, pero may insurance ako.
J: wala akong insurance eh…
G: (nag-iisip na…)

At the cashier:
G: how much is our bill?
Cashier: 575dhs
G&J: (tulala)

Nang pauwi na, parehas pa rin silang gulat...
J: 7000 pesos yan sa Pilipinas, eh kung minumog ko lang ito ng asin at maligamgam ng tubig
G&J: bwahahahahahahahaha!
J: sulit sana un 500dhs kung may sakit ako…kaso nga wala!!!
G&J: bwahahahahhahaha!!!

Nanghinayang pa…

Comments

Popular Posts