‘PANG, I Love You Too!

‘PANG, I Love You Too!
by Diodio

Ang sarap ng pakiramdam, nang aking mapakinggan
Isang anak na nagsabing, I love you, ‘Tay, sa usapan.

Sa loob ng sasakyan nagpatuloy ang kwentuhan
Pagmamahal sa pamilya, sinasabi, dapat sana.

May bahid ng pagsisisi, naramdaman sa sarili
Di man lang nasabi I love you, mommy’t daddy.

Namaalam ang mama ko dos anyos pa lang ako
Ang papa ko ay pumanaw biente sais ang edad ko.

Di na ko nahiya tanungin mga kasama
Ilan ba sa kanila nasabihan, ama’t ina.

Si kuya Eddie, isang ama pasalamat at buhay pa
Sa kanyang mga anak ay narinig ang kataga.

Si Pie na dalaga nasabi na sa ina
Sa ama’y naisulat sa mga card na pinadala.

Si Medel, buong tapang at dinig ng karamihan
Bilin nya sa ama, I love you, ‘Tay, mag-iingat ka.

Ako na ulila walang ama, walang ina
Di man lang nasabing mahal ko rin sila.

Bumaba ng sasakyan sa kanila’y nagpaalam
Di ko man aminin ako ay tinamaan.

Habang naglalakad luha’y di napigilan
Para saan, di ko alam sana’y wag nyong maranasan.

Pagdating sa Jumeirah sa tinutuluyang villa
Sa langit, sinabi ko ...‘Pang, I love you too!

Dirgo2209

Comments

Popular Posts