Kicking Off!

Time check: 11:43pm

Number of employees left (and kicking!): 6 (out of 80+)


paalis pa lang ako ng office… kamusta naman ako diba?

Pero bago ako umalis, hayaan niyo muna ako magkwento.


Nakakapagod pala ang magsalita, magbigay ng instruksyon, magpaliwanag, makipagdebate, makinig at kahit makipagkulitan…

lalo na sa wikang Ingles!

Pansin nyo nagta-Tagalog na ako, naubusan na yata ako ng baon eh…


Kaninang hapon, medyo petiks pa ako…

Naghihintay matapos ang dapat ko nang simulan…

Kaya nga nakapag-proofread pa ako ng mga articles ng mga contributors para sa next Parola issue


At dahil mag-isa lang ako dito sa kwarto, tahimik ang paligid.

Mula umaga sinamahan ako nina Toni Gonzaga, Jed Madela at Julia Duncan (bossa nova singer)

inawitan nila ako…(yes, love songs ang trip ko!)

Volume to the max… walang pakialam…kahit 3 CDs lang ang paulit-ulit…kelangan lang ma-set ang mood…


Alas 730, kumain ako ng dinner habang nakatutok sa computer, left-over kaninang lunch…

Buti na lang, wala akong ganang kumain kanina…kaya may free dinner pa ako…

Pero umorder pala ang officemate ko ng beef shawarma + diet pepsi

Alam ang favourite ko…=)

Pero hindi ko na nakain, busog pa naman at na-pre-occupied uli ng maraming bagay.


Sa gitna ng pagiging abala, may isang manager, nakasalubong ako…

Niyakap ako ng mahigpit…at ang sabi: “you’re doing a great job”

Sagot ko: “You too! …more than I do…”


May isang pang manager, pumasok sa kwarto akala siguro wala na ako…

Nakasimangot…mukhang bad trip …harassed at stressed…gutom at pagod na…

Pero nung nakita ako, ngumiti naman…

Pumunta sa likod ko, hinawakan ako sa balikat at hinalikan ako sa pisngi…

Sabay sabi ng…”Do you need help?”

Wow! Sweet diba?

Sagot ko: “no thanks… I think you’re the one who needs it!”

Ngumiti…sabay alis…


Ako rin, aalis na…at nakangiti rin…

Kasi masaya ako, kahit pagod at puyat.

Masaya dahil mababait ang mga katrabaho ko…iba’t-ibang lahi man…marunong makisama, marunong mag-appreciate, marunong mag-express ng love…

perfect team kumbaga! Intelligence with a heart…IQ + EQ!

Kaya pagpumunta kayo sa store namin, lahat ng graphics na makikita niyo (banner, tags, signs, menu, any graphics related), lagi nyong tatandaan… they were done out of LOVE…at masaya ako kasi kasama ako sa Graphics Team ng THE One =)


O siya, paalam na…

Maaga pa ang pasok ko bukas…

Mula bukas hanggang Biyernes (opo, may pasok ako sa Biyernes!) 730am – 12 midnight (tama po, midnight nga) ang schedule ko.

Didiretso na ako bukas sa hotel, sana hindi ako maligaw. Alam nyo naman ako, ligawin! =) (pero single pa rin…- linya ni Gina! weeee!)

So…kamusta naman ako diba?


Smiling.

Yawning.

Signing off.



*ang guess what, wala pa rin akong napiling gown… huhuhuhu!!!

Comments

Popular Posts