Superhero

sa totoo lang ay ayaw ko nang maging superhero. ayaw ko ng maging tagapagligtas ng mga gustong tumalon sa bangin. at ayaw ko na ring maging tagapag-sagip ng mga nalulunod sa malalim.


kung bakit ba palagian na lang akong nakahandang mag-alay ng isang kamay ko, ng buong braso ko, ng buong puso ko, ng buong buhay ko; sa lahat ng nagpapaubaya at lugmok sa pag-iisa at tumatalon sa matarik upang sa kalungkutan ay lumaya? kung bakit ba palagian na lang akong nangangahas mailigtas ang kung sinumang nagpapatihulog sa talon ng mga luha at nagpapatangay sa agos ng pagka-ulila?


sa totoo lang naman ay mabilis mapigtas ang aking kapit. at ang totoo lang naman ay mabilis akong mangawit. sa totoo lang naman ay mabilis akong gupuin ng pamumulikat at atakihin ng pagkamanhid. sa totoo lang naman ay hindi ako marunong lumangoy o sumisid.


sa totoo lang ay ayaw ko nang maging superhero. ang nais ko lang naman ay umibig at magmahal. ibigin at mahalin. maging mahinahon at payapa; kesa hodang may sasagip sa akin o wala; kung naisin ko mang magpatihulog na rin at lusungin -- itong pag-ibig na humahamon sa akin...



http://toiluna.blogdrive.com/

Comments

Popular Posts