sana ikaw

Ikaw ay dumating bigla sa aking mundo
Hindi inaakalang ngitian mo ako
Para akong natunaw sa lambing nito
Di ka na maalis sa isip ko...

Paano na ngayon?
Ako'y litong lito...
Bakit kaya ako nahulog na sa iyo?
Pero meron ka nang ibang minamahal...
Hindi naman mahati ang puso...

Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa iyo
Diba't nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong buo
'Di ko makakayang may saktan na iba
Kaya't ikaw ay mananatili na lang
Sa damdamin at aking isipan

Iguguhit kita sa alaala...
Pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang.

Comments

Popular Posts