dionisio at emmanuel

nagsesenti lang...

apat na taon na pala tayong magkasama,
ang dami na rin nating naging drama.
ngunit kayo pa rin ang dahilan,
ng bawat ngiti at katatawanan.

kay bacani: natutuwa ako sa pagkakaibigan natin ngayon.
sa dami kong dinahilan at tinakasan,
upang ikaw ay iwasan
isa ka pa rin sa mga taong naniwala at tunay na nagmamahal.
sa dami ng takot at pangamba, ng luha at sakit, ng tawa at away...
hinding hindi ko pagsisihan.
salamat sa pag-aalaga at sa pagturing sa akin bilang iyong reyna!
miss n kita... =(

kay gonzalo: nalulungkot ako pero masaya rin para sa iyo.
kahit sabihin ng iba na bagay tayo, hindi pa rin tayo talo...(hehehe)
kahit masungit ka pero perfect gentleman naman.
salamat sa pag-aalaga at pag-aasikaso, sa mga kalokohan at tawa na tanging si junior lang ang may alam.
salamat sa pag-aalaga at mga pasalubong at sa mga lucid intervals mo.
masaya na ako - na malaman na mas masaya ka sa pinili mo.
mamimiss kita... =(

minsan gusto kong ibalik un panahon na nagsisimula palang ang pagkakaibigan natin.
un hindi pa kumplikado ang sitwasyon (pinagulo nyo kasi eh... hehehe)
sa inyong dalawa... mahal ko kayo.
mahal na mahal...

(malakas ang loob ko na isulat ito kasi alam ko hindi nyo ito mababasa, not unless may magbasa para sa inyo...winks)

Comments

Popular Posts