She’s on the Phone!

August 7

MOOD

Around 9am

Jeanette called:

J: Hello, bago ko ikuwento, maganda ba mood mo?

Hahahaha!!! Ang ganda ng bungad ni Best…mukhang takot ng makadagdag…

+++ === +++

FACE to FACE

10:08am

I called Julios:

G: Bro, question…bakit nung panahon ni Moses, si God nakikipag-usap sa mga tao…in the form of fire, He even personally talk to the people, tapos nawala na un nung dumating si Jesus…. Sana gawin nya ulit ngayon…

J: kasi pinadala na nya ang anak nya at ang Holy Spirit…kaya after Jesus died, the Holy Spirit is with us…

naisip ko lang ngayon: sana nasa harap ko sya, kausapin nya ako face-to-face and tell me exactly what HE wants me to do…

but now, I will be STILL…know I have a God!

Should there be a prophet among you, in visions will I reveal myself to him,
in dreams will I speak to him; not so with my servant Moses!
Throughout my house he bears my trust: face to face I speak to him; plainly and not in riddles.
The presence of the LORD he beholds.

BTW, first email I got today came from Julios…. And he ends it with ‘I love You’ … thanks Bro!

+++ === +++

DU


11am

Exchange of Calls with Cheche

G: sis, pahingi po ng number ni Tita…
C: eto po 055****** ay mali, sandali… 055+++++, at ndi po ako sure…tawag po kita balik…

After few minutes

C: Hi sis Gracie, hindi ko po alam kung alin ang tamang number, naka-off daw sabi ng DU
G: eh diba ikaw ang nagsend ng email sa amin para ibigay ang number ni Tita…
C: oo nga eh…pero sis, try mo to… 055------

Nakontak ko naman si Tita (pero alanganin pa akong tumawag kasi baka ibang tao ang sumagot!)

After that, Che sent me an email…saying: Tama nga po sis un number!

Hehehe!!! ndi na ako tinawagan, natakot na ata sa akin si 9050…harhar!!! Wabyu!

+++ === +++

MISS na KITA


Before Lunch

May isang sis, itago na lamang natin sya sa pangalang Gina dela Vega ng Chapter 3 (hahahaha!)… tumawag ngayon umaga…

At syempre bilang Assistant Team Leader (ATL) ng DW, madami siyang katanungan…ndi ko na iisa-isahin pa…

Pero isa sa mga napag-usapan namin ay ang BLOG…mahabang diskusyon ito kaya hindi ko na rin ikukuwento pa…

Balik tayo sa pagiging ATL nya…

Noong una, puro tanong lang…
Hala nung tumagal na…binibigyan n ako ng assignments! Pambihira!!!

Akala ko ba tanong lang…bakit ngayon may pinapagawa na…( Sounds Familiar? Nangyari na ito…)

Pero bilib din ako kay Gina…nadaan nya ako sa puro TAWA…

At may isang bagay syang sinabi sa akin: “Miss na kita, sis Gracie… maniwala ka, bihira ko lang sabihiin un”…

*** Touch ako =)

+++ === +++

HI

After Lunch

I called Kuya Melo:

G: Hi…
M: Mabuti naman po…
G ????
M: ay Hi pa lang pala nasabi mo noh…kala ko kinakamusta mo na ako…

Hahahaha!!! Si Kuya Melo talaga…

+++ === +++

SURE, why not!

I received two calls today from two different persons and they said the same line:

“Sabihin mo sa kanila, huwag silang matatakot…” =)

Comments

Popular Posts