Pasko sa Dubai
-Repost-
22-Dec-08
by GBE
Tatlong araw na lang, Pasko na! Nandito ka man sa UAE o nasa Pilipinas ay tiyak na iba ' t-ibang Christmas songs ang iyong maririnig at mga decors ang iyong makikita.
Sinasabi ng karamihan na ang Pasko sa Pilipinas ang may pinakamahabang preparasyon at selebrasyon. Ber month pa lang ay mararamdaman na ang simoy ng kapaskuhan. September pa lang nakatayo na ang mga Christmas tree at nakakabit na ang Christmas lights.
Dito sa Dubai , Disyembre 15 ng gabi, opisyal na simula ng pagdiriwang ng simbang gabi. Bata o matanda, may trabaho o wala, visit visa o employee man, tumutungo sa St. Mary’s Church para magsimba ng alas-otso y medya ng gabi. Kanya-kanyang dala ng upuan at hanap ng magandang puwesto sa loob ng compound. Malamig ang simoy ng hangin kaya maraming tao ang makikita sa kalsada na naglalakad. Mga pamilyang sama-samang naglalakad, mga magkakaibigang sabay-sabay na nagsisimba at mga magkasintahang sweet na sweet, HHWW pa, na dadalo sa misa. Pagkatapos ng simbang gabi, sabik ang lahat na kumain ng paboritong puto bumbong, bibingka, kutsinta, at iba pang kakaning Pilipino na tinitinda sa loob ng compound. Personally, nagpapasalamat ako sa SImbang Gabi dahil ito ang nagpapaalala sa akin ng totoong diwa ng Pasko.
Sa mga malls at groceries, siksikan ang mga mamimili. Naghahanap ng mga items na swak sa budget. Ang iba sanay na sa last minute shopping!
Sa opisina naman, hindi national holiday ang Disyembre 25 dito. Sa katunayan, may mga empleyado na nasa kanilang mga opisina sa araw nga Pasko. Pero meron ding masasayang Christmas party at exchange gift ang nagaganap. Kris kringle at monito monita. "Sino ang nabunot mo?". Kahit hindi Kristyano, sumasali sa exchange gift, excited din na makatanggap ng regalo.
Pagsapit ng noche buena, ang buong pamilya, flatmates at barkada ay sama-sama. Nagpapalitan ng pagbati ng "Maligayang Pasko" bago sabay-sabay na pagsasaluhan ang mga pagkain sa hapag. Katulad ng kaugaliang Pilipino, nagsasalu-salo rin sa hapag pagsapit ng alas-dose ng gabi. Ang kadalasang handa ay manok at cake mula sa Spinneys, barbecue at pancit. Nag-o-overseas call sa mga pamilya at kaibigan sa Pilipinas o ibang bansa. At pagkatapos ng batian, picture taking, kainan, iyakan at masayang kwentuhan, sabik ang bawat isa na buksan ang kanilang mga natanggap na regalo.
Sa Pilipinas, pagdating ng gabi, uso sa mga mga bata ang nagbabahay-bahay at nangangaroling. Kahit wala sa tono. Ang iba nga, kahit nag-iisa lang sya, nangangaroling pa rin.Tuwang-tuwa sa mga pamaskong barya na kanilang natanggap. Nakakamiss din ang mga parol! Yung clasic pinoy na parol …
Nakaka-miss ang Pasko sa atin, hindi ba? Kaya ang kinagisnang kultura at pamamaraan ay sinisubukan nating gawin din dito sa ibang bansa.
Dito sa Dubai , hindi man kasing-saya sa Pilipinas ang paraan ng pagdiriwang ay mararamdaman pa rin ang kapaskuhan…
Masaya sana kung sa Pilipinas tayo magdiriwang ng Pasko, kapiling ang buong pamilya. Pero sa totoo lang, kahit nasaan man tayo, magkakaiba man ang paraan ng pagdiriwang, ngunit hangga ' t nananatili sa ating puso at isipan ang tunay na diwa at kahulugan ng araw na ito, ang kaarawan ni Baby Jesus ay magiging maligaya pa rin ang ating Pasko.

Comments
Post a Comment