When People Get Hurt

(from Loutis' FB)

3 Levels

SLIGHT LANG. Would “slight” mean… limang patak ng luha? Isang gabing iyak? Isang bote ng beer? Isang gabing walang tulog? Isang guhit sa puso? Kung baga, tolerable pa rin naman. Halimbawa, di ka niya natext or natawagan, ika’y napagsabihan, kapag ika’y pinag-aantay, or kaya’y di ka napansin.

TAMA LANG. Ito yung tipong sinasabi pa nating.. “ok lang,” “ok pa ako,” “kaya pa,” “sige lang,” “pwede pa..” meaning, tolerable pa at napagpapasensyahan pa ang sitwasyon, nabibigyan pa ng pang-unawa at tiis. Selos, lalo na kapag kung sinu-sino na lamang ang ka-text, ka-chat or ka-e-mail. Kung may nakakalimutang important dates.

TAGOS SA PUSO. Na-2-time ka na ba? Nakipagbreak ba sayo yung taong inaakala mong pinakamamahal mo? Nakita mo ba with your naked eye na may kasama siyang iba? Ikakasal na ba siya sa iba? Nalaman mo bang pinaglalaruan ka lang niya at ginamit ka lang? Pinagkakaperahan? Ibinigay mo na ang lahat-lahat ngunit di sapat at iniwan ka pa niya? Taken for granted ka na ba at di na binibigyan ng importansiya? Harap-harapan kang minumura at sinasaktan? Pinaghiwalay ba kayo ng panahon at di na muling nagkasama? Namatayan ka ban g minamahal?
Ito yung mga pagkakataon na akala natin ay gumuho na ang buong mundo sa atin; hindi kaya ng isa, dalawa o tatlong magdamagang iyakan. Kahit pa magpakalunod sa alak ay andyan pa rin kinabukasan. Halos patayin pa nga ang sarili kakagawa ng paraan upang makalimot. Ito rin yung pagkakataon ng madaliang pagpayat; sa kaiisip, di makatulog at kakadamdam ng sakit na nasa puso. Kung pwede nga lang na anytime umiyak ka at dugo na ang iluha.
Kadalasa’y naghahanap na tayo ng lilibang sa’tin; babae, lalaki, kaibigan, para sa pansamantalang kaligayahan, bawal na gamot, sugal, at kadalasa’y pagganti at galit ang nasa puso. Karamihan ri’y nahihirapan na magtiwala.

Solusyon. I can’t guarantee that in an instant everything will change and everything will get better. But one thing is for sure, you’ll learn how to deal with life (in general) gaya ng mga na-mention sa taas. Ang mga sakit na nasa puso ay unti-unting mapapawi. From time-to-time you’ll be reminded of what we have to know and do sa mga individual and social issues natin. Mas magiging masaya ang buhay. Ang kalungkutan ay medaling maging kasiyahan. And you’ll never be alone.

Comments

Popular Posts